A healthy diet is more important than your health

Hindi daw healthy ang pagiging “mataba”. Eh pano kung mataba pero healthy ang diet? ?

May isang study kung saan sinundan ng mga experts ang 79,000 men and women for 21 years!After 21 years, 38% of those men and women died.

Sa study na’to, nalaman ng mga researchers na:

✅ Pinaka-KAUNTI ang mga namatay sa mga taong OVERWEIGHT pero ang diet nila ay rich in fruits, vegetables, beans, nuts, high-fiber grains, fish and olive oil (aka Mediterranean diet). Konti lang din ang kinakain nilang mga karne.

⚠️At ito pa, mas maraming namatay sa mga normal ang weight pero hindi healthy ang diet nila.

Therefore, hindi por que payat o normal ang timbang ay healthy na agad at safe sa mga sakit. Huwag masyado magfocus sa timbang pagdating sa health. Instead, ask yourself these questions:

Sapat ba ang kinakain mong prutas at gulay sa araw araw?

Ano ang carbohydrate sources mo – refined ba or whole grains?

Mas madalas ka bang kumain ng karne kaysa sa isda?

Nag-eexercise ka ba regularly?

If you’re eating well and exercising on a regular basis, don’t feel disheartened if hindi ka pa payat/slim/”sexy” etc., ok?

Kaya ang hype ay huwag po sana puro papayat o pamacho.

Mahal ang maintenance medicines at pabigat sa pamilya ang pagkakaroon ng diabetes, heart disease, cancer, hypertension etc. Kung magpapapayat na rin lang, dun na tayo sa tama at pangmatagalan.

Let’s strive to eat healthier so that we can live a more productive and meaningful life, diba? ?

Happy weekend! ?

Links to the study mentioned:

https://journals.plos.org/plosmedicine/article?id=10.1371/journal.pmed.1003331

https://www.abc.net.au/…/health-bmi-vs-diet…/12688270

Note:A main limitation of this study is its study design (observational) with self-reported lifestyle information plus risk of residual or unmeasured confounding (e.g., genetic liability). Hence, NO CAUSAL INFERENCES can be made based on this study alone.